208

By

350K estudyante magdudusa sa pagkawala ng allowance bunga ng tapyas na CHED budget

Mawawala na sa sususunod na taon financial assistance ng gobyerno sa may 350,000 estudyante sa pribado at pampublikong unibersidad.

Sa pagdinig ng Senado ukol sa badyet ng Commission on Higher Education (CHED), sinabi ni CHED Commissioner Prospero de Vera na ito ay dahil sa P3 bilyong kinaltas ng Malacañang sa Tulong Dunong Program.

Ngayong taon, P4.19 bilyon ang badyet ng programa pero magiging P1.19 bilyon na ito batay sa panukalang badyet na binalangkas ng Malacanang.

Ang mga estudyante sa Tulong Dunong program ay mga nag-aaral sa mga public at private university na rekumendado ng mga local government official.

Sinabi naman ni Senador Sonny Angara, vice chairman ng Senate Committee on Finance at nag-akda ng Free College law, na magagawan pa ng paraan para hindi mawalan ng benepisyo ang mahihirap na estudyante.

Ipinaliwanag ni Angara na nakaltasan man ang Tulong Dunong Program, nadagdagan naman ng P11 bilyon ang badyet para sa Tertiary Education Subsidy (TES) kaya magiging P16 bilyon ang badyet nito sa 2019.

Sa TES, may 300,000 estudyante mula sa mahihirap na pamilya na nag-aaral sa public at private higher education institutions ay maaaring makatanggap ng hanggang P60,000 allowance ngayong academic year.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?