3

Mar 6, 2021 @ 15:22

35 pang parak gumaling sa COVID-19

Umakyat na sa 10,822 ang kabuuang bilang ng kawani ng Philippine Natuional Police na gumaling mula sa COVID-19 matapos maitala ang 35 bagong nakarekober kahapon.

Umakyat naman sa 11,343 parak ang nasapul ng sakit matapos maitala ang 12 bagong nagpositibo kahapon.

Nanatili naman sa 31 ang death toll rate ng naturang ahensya.

Kasalukuyang sumirit na sa 490 pulis ang nagpapagaling sa COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?