182
modern-jeep
Jun 17, 2018 @ 16:08
By

35 modernong jeep, bibiyahe na sa Senado

Nakatakdang umarangkada ang may 35 aprubadong modernong jeepney para sa mga pasaherong patungong Star City, PICC at MOA.

Partikular ding seserbisyuhan nito ang mga empleyado ng Senado.

Dahil sa pagpupursigi ng Department of Transportation (DOTr) na maipatupad ang PUV Modernization Program, katuwang ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), bibigyan ng ligtas na masasakyan ang mga empleyado ng Senado sa pakikipagtulungan ng Senate Employees Transport Service Cooperative (SETSCO).

Sisimulan ng umaga bukas (Hunyo 18) ang pagbibiyahe ng 15 sa 35 na modernong public utility jeepney units na may rutang Star City, CCP, PICC, GSIS, Senate hanggang MOA at vice versa.

Magaganap ng alas-dos ng hapon ang launching ng mga sasakyan na dadaluhan nina Senate President Vicente Sotto, Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, Senators Aquilino Pimentel Jr., at Sherwin Gatchalian, kasama sina DOTr Undersecretary for Road Transport and Infrastructure Tim Orbos at LTRFB Chairman Martin Delgra III, at mga kawani ng SETSCO.

Malaking tulong din umano ang modernong jeep para sa persons-with-disabilities, senior citizens na pasahero at sa mga nag-aasikaso ng papeles sa GSIS at ang mga magtutungo sa Star City, PICC at MOA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?