4

Nov 5, 2020 @ 18:22
By

35 Army trainee sa Bohol sapol ng COVID

Aabot sa 35 pa na trainee ng Philippine Army ang tinamaan ng COVID-19 sa Bohol.

Ayon kay Bohol Inter-Agency Task Force spokesperson Dr. Cesar Lopez, ang naturang trainee ay posibleng nahawaan ng siyam na kabaro.

Tumuloy ang mga nag-COVID-19 positive sa Training and Doctrine Command ng Philippine Army sa Camp Lino I. Chatto, Brgy. Macaas sa bayan ng Tubigon.

Wala namang sintomas ng naturang sakit ang mga trainee habang ginagamot ang mga ito.

Mayroon nang 559 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Bohol, 127 dito ang tinuturing na active case.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?