102

Dec 3, 2017 @ 18:06
By

35 airports handa na sa ‘Christmas rush’

Inanunsiyo ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na sakop ng kanilang ‘Balik Pasko 2017’ ang 35 airports sa bansa na may commercial operations.

Ayon kay CAAP Director General Capt. Jim Sydiongco ang hakbang ay para ihanda ang lahat ng mga paliparan at ang mga airport personnel sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero ngayon Kapaskuhan.

Aniy,a sinimulan na nila noong Biyernes ang pagpapatupad ng naturang programa at magiging epektibo ito hanggang sa Enero 5 ng susunod na taon.

Banggit pa ni Sydiongco kinansela na ang lahat ng leave credits ng kanilang mga tauhan upang may makapag-duty sakaling hindi kayanin ang dagsa ng mga pasahero.

Dagdag pa nito, maging ang mga ahensiya ng gobyerno na may operasyon sa mga airport, gaya ng Office of Transportation Security at PNP- Aviation Security Group , ay inabisuhan na rin na magtalaga ng sapat na tauhan para hindi maantala ang mga pasahero sa kanilang biyahe.

Ayon pa kay Sydiongco inaasahan nila na tataas ng 10 porsiyento ang bilang ng mga pasahero sa mga airports ngayon holiday season.

Noong nakaraang taon, mahigit sa 18.7 milyong pasahero ang kanilang naitala sa buong panahon ng pagselebra ng Kapaskuhan.(Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?