25

Jun 20, 2020 @ 9:06
By

343K OFW tengga dahil sa COVID – DOLE

Libo-libong Pilipino na nagtatrabaho abroad ang nawalan ng hanapbuhay dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, abot sa 343,000 na mga overseas Filipino worker (OFW) ang tengga sa nararanasang krisis ng buong mundo.

“Baka dumami pa po yan kasi ang bilang ng natengga naming OFWs, because of COVID-19 ay 343,000 ang nawalan ng trabaho. Buong mundo na po ‘yan,” saad ni Bello.

Sa nasabing bilang, 191,000 ang ayaw bumalik sa Pilipinas, habang 95,000 naman ang gusto nang umuwi.

Ayon kay Bello, nasa 65,000 pa ang hinihintay na mga OFW para makabalik sa Pilipinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?