182

Sep 21, 2019 @ 11:43
By

340 kilo ng balat ng baboy na nahawa ng ASF kumpiskado sa bus terminal sa Ilocos

Aabot sa 340 na kilo ng balat ng baboy ang nakumpiska sa isang bus terminal sa Laoag City, Ilocos Norte noong Biyernes, Setyembre 20, na hinihinalang kontaminado ng African Swine Fever (ASF), ayon sa Laoag City Slaughter House (LCSH).

Ayon kay LCSH officer Shiela Rapatan de Leon, walang kaukulang dokumento ang nasabing pork skin na galing Sampaloc, Manila at ang consignee nito ay isang Alfredo Rambaud na taga Paoay, Ilocos Norte.

Sinabi ni De Leon, agad nilang binuhusan ng disinfectant at krudo bago nila binaon ang nasabing balat ng baboy.

Dagdag pa ng opisyal, hindi pa nila nakakausap ang consignee dahil wala umano ito sa Ilocos Norte.

Una rito, inutos ng lokal na gobyerno ng Laoag ang mahigpit na pagbantay sa mga pumapasok na karne ng baboy sa siyudad para masigurado na hindi makapasok ang ASF virus sa lalawigan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?