440

Jul 16, 2019 @ 21:40
By

34 sumukong NPA, binigyan ng bahay ni Digong

Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibigay ng bagong housing units sa 34 na mga dating miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Barangay Cuambogan, Tagum City, Martes ng hapon.

Sa isang seremonya na ginanap sa Freedom Residences sa Tagum City, personal na inabot ng Pangulo ang titulo ng mga bagong bahay sa mga dating NPA.

Bukod sa bagong house and lot, binigyan din ang mga nagbalik-loob na mga rebelde ng livelihood assistance para sa kanilang tuluyang pagbabago.

Sa kanyang talumpati, sinabi ng Pangulo na titiyakin ng gobyerno na makakapamuhay nang disente ang mga rebel returnees at aalalayan sa kanilang pagbabagong-buhay.

Sinaksihan din ni Pangulong Duterte ang demilitarisasyon sa mga isinukong armas ng mga dating rebelde.

Kabilang sa mga tumanggap ng bagong house and lot sina Marion Hagmoc, Juanito Latiban at Liza Dabis, na mga dating miyembro ng Pulang Bagani Command ng NPA na nag-o-operate sa Davao Oriental, Davao de Oro at Davao del Norte.

Kabilang sa mga opisyal na nakasama ng Pangulo sa turnover ceremony sina Senator Bong Go, Department of National Defense Secretary Delfin Lorenzana, Department of the Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, Housing and Urban Development Coordinating Council Chairman at Secretary Eduardo del Rosario at National Housing Authority General Manager Marcelino Escalada Jr.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?