6

Sep 25, 2020 @ 21:56
By

34 coronavirus hospital sa NCR nasa ‘danger’ level na

Inilagay na sa “danger” level pagdating sa bed capacity para sa mga coronavirus disease patient ang 34 sa may 136 na ospital sa National Capital Region (NCR).

Batay iyon sa datos ng Department of Health (DOH).

Ibig sabihin ng “danger” category, mahigit 70 porsiyento nang okupado ang mga higaan para sa mga COVID-19 patient sa mga ospital.

Sa 34 ospital na nasa “danger” level, 13 ang umabot na sa 100% bed occupancy, ayon sa DOH.

Kabilang sa mga ospital na umabot na sa 100% bed occupancy ang A. Zarate Hospital, Allied Care Experts Medical Center Valenzuela Inc., Asian Hospital, Bernardino General Hospital I, Mary Chiles General Hospital Inc., National Center for Mental Health, Rosario Maclang Bautista Hospital, Taguig-Pateros District Hospital, University of Santo Tomas Hospital, Valenzuela City Emergency Hospital at Victoriano Luna Medical Center. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?