199

May 11, 2022 @ 15:48
By

34-anyos na OFW susugal sa PBA draft

Sa kabila ng edad na 34 at kakulangan ng karanasan, tatahakin pa rin ng isang ‘rookie’ aspirant ang PBA draft.

Ayon sa ulat ng Spin, ang dating OFW sa Saudi Arabia na si Jayson Montes ay ang pinakamaaga sa Gatorade Hoops Center para sa unang araw ng PBA Draft Combine.

Si Montes ang pinakamatanda sa mga kumasa sa PBA draft sa edad na 34. Siya ay may taas na 5’9 at point guard ang posisyon.

Naglaro siya para sa Emilio Aguinaldo College-Cavite sa UCAA, NCRAA at Fr. Martin’s Cup. Matapos gumraduate noong 2011, taong 2013 ay bumyahe siya pa-Saudi para magtrabaho bilang waiter.

Bumalik siya sa Pilipinas noong 2020 para magsimula ng sariling pamilya. Ngayon, ang kanya namang PBA dream ang kanyang itutuloy.

“This is my childhood dream. Galing akong Saudi as an OFW. So tinry ko yung draft. Inspired ako sa family ko at sa anak ko. Nung dumating siya sa life namin, siya ang motivation ko,” wika ni Montes.

“At my age of 34, sinubukan ko magpa-draft. So never give up on your dreams,” dagdag pa niya. “Stay motivated all day, you never give up in life. Whatever happens, never give up.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?