10

Aug 19, 2021 @ 9:18
By

331 pulis naligtas sa COVID, 162 bagong tinamaan

Sumampa na sa 31,000 indibidwal ang naitala ng Philippine National Police (PNP) na kawani nilang gumaling mula sa COVID-19. Ito ay matapos maitala ang 331 bagong nakarekober kahapon.

Nadagdagan naman ng 162 ang bagong nagpositibo sa virus. Sa kabuuan, 32,919 parak na ang timamaan ng COVID-19.

Wala namang napaulat na bagong nasawi dahil sa sakit at nanatili sa 98 ang death toll rate nito.

Kasalukuyang 1,814 na ang aktibong kaso ng COVID sa PNP.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?