354

$330K halaga ng gold bars, natagpuan ng janitor sa basurahan

Sharing is caring!

Instant millionaire sana ang isang janitor mula sa South Korean matapos matagpuan sa basurahan ang ilang piraso ng gold bars na nagkakahalaga ng kabuuhang $327,000.

Subalit dahil hindi ito sa kanya, isinuko niya ito sa mga awtoridad.

Ayon sa report ng Korea Times, nadiskubre ng janitor ang mga gold bar, na may timbang na isang kilo kada piraso sa isang basurahan at nakabalot sa diyaryo.

Sabi ng pulis, kung hindi umano dumating ang tunay na owner ng gold bars, maaring mapunta ito sa janitor na siyang nakadiskubre.

Sa ilalim ng batas ng Korea, ang sinumang may-ari ng isang property na hindi mag-claim nito sa loob ng anim na buwan, ay maaring mapunta sa taong nakadiskubre nito.

Kung dumating naman ang tunay ng owner, ang finder o ang nakadiskubre ay may share na lima hanggang 20 porsiyento ng market price ng natagpuang property.

Pero kung madiskubreng galing sa iligal ang pag-aaring iyon, hindi ito maaring maibigay sa nakakita nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?