138

Dec 29, 2017 @ 10:55
By

330 bagong CAFGU isasabak vs NPAs

Aabot sa tatlong daan at tatlumpung (330) mga bagong recruit ng Citizens Armed Forces Geographical Unit o CAFGU active auxiliary ang nagtapos sa kanilang training sa Headquarters ng 1002nd Brigade, Camp BGen Agaab, Malungon, Sarangani.

Ayon kay Major General Noel S Clement, Commander ng 10ID, ang mga nagtapos na CAFGU ang magiging first line of defense ng kani-kanilang mga komunidad laban sa mga NPA at iba pang mga terrorista.

Hinikayat ni Clemente ang mga nagsitapos sa training na CAFGU na mula sa mga tribong Ilonggo, Bisaya, Manobo, Kaulo, B’laan, Bagobo at T’boli, na matapat na ipagtanggol ang kani-kanilang mga komunidad laban sa anumang banta.

Ayon naman kay Spokesperson Captain Jerry Lamosao na sa 330 nagtapos, tig-110 nanggaling sa bawat lalawigan ng North Cotabato, South Cotabato at Davao Occidental.

Sumailalim aniya ang mga ito sa isang-buwang basic training course kung saan tinuruan silang gumamit at mag-mintini ng armas, at binigyan ng mga lecture patungkol sa Human Rights, International Humanitarian Law at Rule of Law.

Tinuruan din nila ito ng Civil-Military Operations kasama ang pagsasanay sa ibat-ibang aspeto ng Community Support Program (CSP). (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?