57

Dec 21, 2019 @ 13:40
By

33 points ni Clarkson, nagpaamo sa Grizzlies

Pinatunayan ni Cleveland Cavaliers guard na si Jordan Clarkson na kabilang siya sa mga primyadong sixth man ng liga.

Ito’y matapos na umiskor ng 33 points ang Fil-Am player off the bench, anim dito ay mula sa three-point land at gibain ang Memphis Grizzlies, 114-107.

Ngunit hindi lang si Clarkson ang naging instrumento sa back-to-back win ng Cavs.

12-point defecit ang bitbit ng Cleveland sa fourth quarter, ngunit sa huling saglit, 1:03 ang nalalabi sa game clock ay inagaw ni Kevin Love ang kalamangan, 109-107.

Dito na tuluyang umarangkada ang Cavs sa pagtutulungan nina Collin Sexton at rookie Darius Garland.

Tumapos si Love tangan ang 21 points, kasama ang five 3-pointers, at 13 rebounds.

Nanguna naman para sa Memphis si Jaren Jackson Jr na may 24 points, habang nalimitahan ang rookie na si Ja Morant sa walong puntos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?