us-embassy

32 US embassy workers sa Cambodia sinibak sa pagpapalitan ng porno

Sharing is caring!

Sinipa sa trabaho ang 32 empleyado sa United States Embassy sa Cambodia matapos mahuling nagpapalitan ng malalaswang larawan at video sa chat group.

Ayon sa ulat, kabilang sa pinagpasa-pasahan ng mga ito sa Facebook Messenger chat group ang mga pornographic videos at photographs kung saan tampok ang mga may edad 18 pababa.

Ilang larawan ay nakita pa mismo ng asawa ng isang manggagawa rin sa embahada na siyang nagsumbong sa insidente.

Dinala ang kaso sa Federal Bureau of Investigation (FBI).

Kabilang umano sa 32 empleyado ay Cambodians at Cambodian-Americans na karamihan ay guwardiya at clerical staff ngunit walang diplomats.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?