4

Oct 17, 2020 @ 10:35
By

32 purok sa Agusan del Sur nilagay sa ECQ

Aabot sa 32 na purok sa Agusan del Sur ang sinailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lugar.

Kabilang sa mga barangay na may purok na nasa ECQ ay ang Barangay 2, 3, 4, 5, San Isidro, Alegria, Karaos, Rizal, Pisaan at Hubang.

Ayon kay San Francisco, Agusan del Sur Mayor Solomon Rufila, nasa 57 na ang COVID case sa kanilang lugar, 32 dito ay ginagamot pa.

Tatagal ang lockdown sa lugar mula October 16 hanggang 31.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?