79

32 puno sa Baguio, ipapaputol ng Palasyo

Sharing is caring!

Pinapatanggal ng Office of the President ang 32 punong malapit Philippine Information Agency (PIA) compound sa Lualhati drive sa Baguio City.

Ayon kay Reiner Balbuena, officer–in-charge ng Community Environment and Natural Resources Office (Cenro), inabisuhan na nila ang Office of the Mayor para sa kanilang plano.

Ang 32 puno ng Calindra na puputulin ay itinamin sa ilalim ng National Greening Program noong 2011 at may taas na ngayong 2-4 metro.

“According to the staff of the Mansion, the Office of the President wants to cut/remove the Calindra trees and replace them with Benguet pine trees,” ayon sa Cenro inspection report.

Hinihiling ni Balbuena kay Mayor Mauricio Domogan na payagan silang putulin ang mga puno sa pamamagitan ng clearance mula kay Mansion director Carlota Pauly.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?