78

Mar 21, 2020 @ 15:22
By

32 dayuhan, lokal sa Siargao kulong sa paglabag sa quarantine, curfew

Nasa 32 katao kabilang ang dose-dosenang dayuhan ang dinakip sa isla ng Siargao.

Hinuli ang mga ito dahil sa pakalat-kalat sa mga kalsada at beach noong Biyernes ng gabi sa kabila ng ipinatutupad na quarantine laban sa COVID-19.

“For failing to abide the preventive community quarantine measures and curfew hours we arrested them. These people are still outside the house even everything was already closed late at night,” ani General Luna Police Station chief Police Capt. Vicent Wise Panuelos sa ulat sa Inquirer.

Pinalaya rin ang mga ito nitong Sabado ng umaga sa pangakong susunod na sa ordinansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?