128
erap
Jan 11, 2018 @ 10:54
By

318 ektaryang reclamation project, para sa Manileño – Erap

Nilinaw ni dating pangulo at ngayo’y Mayor Joseph ‘ Erap ’ Estrada na ang 318 ektaryang reclamation project ay hindi para sa kanya bagkus ay para sa mamamayan ng Maynila.

Paliwanag ni Estrada, kapag natapos na ang kanyang termino, kahit isang butil ng reclaimed area ay wala siyang maiuuwi dahil para ito sa lalo pang ikauunlad ng lungsod.

“Ang proyekto ay hindi ko mag-isa binuo dahil katuwang ng city government dito ang Philippine Reclamation Authority, masusing pinag-aralan ng konseho at isinailalim sa public hearing upang makuha ang damdamin ng mga residente ng lungsod bago lubusang ipatupad,” sabi ni Mayor Erap.

“Inuulit ko, kung matuloy man ang proyekto sa ilalim ng Memorandum of Understanding at iba pang kasunduan sa hinaharap, ang makikinabang dito ay buong populasyon ng Maynila dahil lilikha ito ng libu-libong trabaho at magpapasigla sa kalakalan sa Maynila,” dagdag pa ng alkalde.

Makikinabang din aniya rito ang buong gobyerno ng Pilipinas dahil sa mga buwis at iba pang posibleng kitain kapag natuloy ang proyekto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?