By

317 huli sa anti-criminality ops sa EPD

Sharing is caring!

Umaabot sa 317 ang nahuli ng mga tauhan ng Eastern Police District (EPD) sa ikinasang simultaneous anti criminality law enforcement operation (SACLEO) na naganap kamakalawa ng hapon hanggang kahapon ng umaga.

Batay sa report na nakalap mula sa tanggapan ni District Director Reynaldo Biay, patuloy ang pagsasagawa ng SACLEO ng mga tauhan ng EPD upang tuluyang malipol ang mga pasaway na residente at mapanatili ang kaayusan ng mga lungsod ng Marikina, Pasig, Mandaluyong at San Juan na sakop nito.

Sa Mandaluyong City, umaabot sa 25 katao ang naaresto kabilang na dito ang apat na pasaway sa anti-smoking, 14 ang nahuling riding in tandem, apat na traffic violators at tatlo ang nabigyan ng warrant of arrest.

Nasa 271 residente naman ang nahuli sa Marikina City matapos lumabag sa mga ordinansang anti littering na kung saan ay nasa 11 ang nahuli, 24 sa half naked, siyam sa curfew to minors, 23 sa smoking in public, anim sa drinking in public, nasa 13 ang nahuling sleeping in public, 32 na jaywalking.

Nasa 151 naman ang nahuli sa paglabag sa traffic violations, at dalawa sa anti illegal drugs na kung saan ay umaabot sa 271 ang dinampot ng mga tauhan ng Marikina Police.

Paglabag naman sa traffic violations ang umiiral sa San Juan City na kung saan ay nasa 20 ang nabigyan ng tiket at isa naman ang rescued minor habang wala namang naiulat na SACLEO sa Pasig Police ayon sa duty na si SPO4 Merlita Perlac.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?