33
edp
Apr 5, 2018 @ 13:01
By

311 huli sa anti-criminality operation ng EPD

Umaabot sa 311 pasaway ang naaresto ng Eastern Police District (EPD) sa ikinasang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) mula Miyerkules hanggang Huwebes ng umaga.

Sa report na nakalap mula sa tanggapan ni EPD Director, S/Supt. Reynaldo Biay, nasa 163 ang naaresto ng Pasig Police, kabilang na dito ang 29 sa anti-smoking, dalawang inaresto sa bi sang warrant of arrest, 110 ang lumabag sa traffic violations, tatlo katao ang inarestong drinking in public, dalawa sa half-naked o walang damit pang-itaas, rescued minor ay nasa 14 at tatlo sa urinating in public places.

Nasa 36 naman ang inaresto sa Mandaluyong City na kung saan ay nasa 20 katao ang hinuling umiinom ng alak sa kalsada, dalawang anti-smoking, apat na half naked, riding in tandem nasa anim, at apat sa traffic violations.

Sa Marikina City, tatlo katao ang timbog sa illegal drugs, 20 sa anti-smoking, 12 na half naked, tatlo ang hinuling kabataan sa ipinatutupad na curfew, nasa 35 motorista ang inaresto na lumabag sa traffic violations, dalawa sa warrant of arrest, sleeping in public places ay nasa pito habang tatlo naman ang inaresto na umiihi sa kalsada sa kauoang nasa 93 ang inaresto ng mga tauhan ng Marikina Police.

Mahigit sa 19 katao naman ang hinuling traffic violator sa San Juan na kung saan ay aktibo ang traffic enforcers ng San Juan Police sa paghuli sa mga pasaway na motorista.

Ayon kay S/Supt. Chito Bersaluna, palaging nakaalerto ang kapulisan ng San Juan.

Patuloy ang isinasagawang SACLEO ng Eastern Police upang tuluyang masupil ang mga pasaway na residenteng hindi sumusunod sa ordinansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?