308

Dec 31, 2017 @ 15:29
By

31 sugatan sa prusisyon ng Black Nazarene

Binigyan ng paunang lunas ang tatlumpu’t isang deboto matapos magtamo ng mga sugat at mahimatay dahil sa pagdalo sa prusisyon ng Itim na Nazareno sa Quiapo, Maynila.

Nabatid na ilan sa mga deboto ang nagtamo ng minor injuries habang ang iba naman ay nahimatay at nahilo dahil sa pagtaas ng blood pressure.

Agad naman rumesponde ang ilang medical teams na nakatalaga sa paligid ng Quiapo Church.

Libu-libong deboto ang lumahok sa thanksgiving procession na nagsimula kaninang alas dos ng madaling araw.

Karamihan pa sa mga ito ay inokupahan ang ilan sa mga lane sa Quezon Avenue.

Tatlong beses inilalabas ang imahe ng Itim na Nazareno kada taon, tuwing Traslacion, Good Friday at December 31. (Rick Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?