20

Dec 26, 2017 @ 15:02

31 pts, 11 assists ni Westbrook kumitil sa Houston

Pinagningas ng 31 points at 11 assists ni Russell Westbrook ang Oklahoma City Thunder para itumba ang Houston Rockets, 112-107.

May ibinaon pang 24 points si Paul George, nagdagdag si Carmelo Anthony ng 20 upang kumawala sa huling minuto at maiuwi ang panalo ng Thunder.

Nanguna naman ng 29 points at 12 assists si James Harden para sa Rockets na lumagapak sa 25-7 sa likod ng Golden State para sa NBA’s best record.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?