9

Jul 16, 2020 @ 16:21
By

31 Pinoy sa Kuwait dedo sa COVID-19

Umabot na sa 31 ang bilang ng mga Pilipino sa Kuwait na namatay dahil sa coronavirus disease 2019.

Kabilang sa mga biktima ang apat na medical frontliner.

Ayon kay Philippine Charge d’ Affaires Charleson Hermosura, nakatanggap sila ng ulat na nasa 300 Pilipino sa Gulf State ang tinamaan ng virus, kung saan 260 sa mga ito ang nakarekober na.

Batay sa datos ng Johns Hopkins University and Medicine Coronavirus Resource Center, kasalukuyang 56,877 na ang COVID-19 case sa Kuwait kabilang ang 46,897 na nakarekober at 399 namatay. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?