mangingisda
By

31 Pinoy fishermen na nadakip sa Indonesia, pinalaya na

Sharing is caring!

Pinakawalan na ng pamahalaang Indonesia ang 31 Filipino na magkakahiwalay na nadakip sa Indonesia dahil sa illegal fishing.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), binigyan na ng Indonesian government ng exit permit ang nasabing mga Filipino.

Walo sa mga ito ay kapitan ng mga fishing vessel at nagsilbi ng parusang pagkakabilanggo.

Makakauwi naman ang mga ito sa tulong ng Philippine Navy (PN).

Sinundo sila kanina ng barkong BRP Davao Del Sur sa Indonesian Navy wharf sa Bitung.

Makararating ito sa Sasa Wharf sa Davao City sa Abril 21.

Ayon sa DFA, sinabi ng Immigration Office ng Indonesia na bukas ang kanilang bansa sa mga FIlipino pero dapat ay kumpleto ang mga dokumento upang hindi makasuhan ng illegal entry at overstaying.

Sa talaan ng DFA, mula noong Enero, naglikas ang gobyerno ng 61 Filipinong mangingisda na nadakip sa karagatang sakop ng Indonesia.

Karamihan sa mga ito ay residente ng Davao City at General Santos City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?