44

Sep 28, 2018 @ 19:09
By

31 ni Durham walang kuwenta; Meralco sadsad kontra Alvark

Muli na namang natalo ang Meralco Bolts laban sa Alvark Tokyo, 73-84, sa 2018 FIBA Asia Champions Cup nitong Biyerenes sa Thailand.

Naitabla ng Meralco sa 60-all ang laro sa pamamagitan ng back-to-back baskets nina Allen Durham at Baser Amer, ngunit nakalayo ang Alvark Tokyo nang nakaiskor sila ng anim na sunod na puntos, 60-66.

Nakapukol ng tres si Tanaka sa 3:09 na nalalabi sa orasan upang makalamang ang Tokyo ng siyam, 66-75, at tuluyang inalat ang Bolts sa opensa.

Pinamunuan ni Alex Ryan Kirk ang Japan sa kanyang 23 points, 11 rebounds at two assists, habang si Tanaka ay tumirada ng 17 points sa 3-of-5 shooting mula sa tres.

Nagtala si Durham ng 31 points, 12 rebounds, at two blocks, habang si Diamond Stone ay nagbigay ng 28 points at eight rebounds para sa Meralco.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?