94

By

31 Chinese dampot sa pugad ng mga prosti

Naaresto ng mga awtoridad ang ilang Chinese national na pinaniniwalaang sangkot sa operasyon ng isang sex den sa Parañaque City.

Ayon sa Parañaque City police, kanilang nahuli ang 13 Chinese na pinaniniwalaang operator sa prostitution den, habang 18 Chinese naman ang nasakote din na hinihinalang parokyano.

Bukod pa dito, 51 babaeng Chinese naman ang naligtas ng mga pulis na sinabing nagtatrabaho rin sa bahay-aliwan.

Kakasuhan ng paglabag sa Section 4 ng Republic Act 9208 o ang “Anti-Trafficking in Persons Act of 2003″ ang 13 Chinese operator, habang nahaharap din sa asunto ang 18 kliyente ng sex den.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?