11

Sep 8, 2021 @ 19:52
By

31-anyos na penguin sa Oregon Zoo pumanaw

Pumanaw na noong Sabado si Mochica, ang isa sa pinakamatandang Humboldt penguin ngayon sa mundo.

Si Mochica, o Mo, ay namatay sa edad na 31 sa Oregon Zoo, USA kung saan din siya isinilang noong Hulyo 6, 1990.

Ayon sa isa sa bantay ni Mo na si Travis Koons, kailangan nang i-euthanize ang penguin dahil sa samo’t-saring karamdaman nito.

Bihira rin daw lumagpas ng edad na 20 ang mga Humboldt penguin.

“He had a mature cataract in one eye, old-age haze in the other, bilateral arthritis in his hips,” pahayag ni Koons. “He was just a very old bird. It was hard for him to see, and at times difficult for him to walk.”

Ang mga Humboldt penguin ay naninirahan sa South America at itinuturing na isa sa mga vulnerable penguin species sa ngayon. Tinatayang nasa 12,000 na lamang ang kanilang breeding pair.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?