13

Jul 19, 2021 @ 15:15

300K guro bakunado na kontra COVID

Inanunsyo ni Education Secretary Leonor Briones na 300,000 guro na ang naturukan ng bakuna laban sa COVID-19.

Sakto ito sa pagbubukas ng klase sa September 13, na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Briones, wala pa silang datos sa mga bakunadong guro sa Region 4B gayundin sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Sa kabila ng ilang bakunadong guro ay wala pang update ang DepEd o ang Inter-Agency Task Force kung papayagan na ba ang limitadong face-to-face class sa School Year 2021-22.

Sa ngayon ay mananatili sa blended distance learning ang mga paaralan para sa susunod na school year, bilang pag-iingat pa rin sa COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?