plaka1

300K bagong plaka kada buwan, papaspasan ng LTO

Sharing is caring!

Simula umano ngayong Abril ay uumpisahan na ng Land Transportation Office (LTO) ang paggawa ng 300,000 license plates o plaka kada buwan.

Dahil sa pagbili ng pitong embossing machines ng ahensiya ay tutugunan na nila o babawasan ang mga nakatenggang plaka ng sasakyan.

“Dito sa simula, meron tayong seven embossing machines at sa pangkalahatan, makakapag-produce ng around 11,400 na [plates]. Sa bawat buwan na nagtatrabaho ‘yung pitong makina, makakabuo tayo ng mga 297,000,” ani LTO chief Assistant Secretary Edgar Galvante sa panayam sa Unang Balita.

Matapos umanong magawa ang mga plaka ay idedeliber ito sa lahat ng opisina ng LTO saka ibibigay sa mga aabisuhang may-ari.

Ang mga bagong plaka umano ay may dagdag na features gaya ng radio-frequency identification (RFID) sticker.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?