94

Mar 5, 2020 @ 18:14
By

3,000 sundalong Chinese sa ‘Pinas, sisilipin ng AFP

Bineberipika na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang tungkol sa impormasyon na nasa 2,000 hanggang 3,000 Chinese soldier ang nasa Pilipinas.

“I have my staff for intelligence to confirm said reports in coordination with other relevant agencies of government,” saad ni Gen. Felimon Santos Jr., AFP chief of staff.

Noong Marso 4 nang ibunyag ni Senador Panfilo “Ping” Lacson ang impormasyon mula sa kanyang reliable source tungkol sa presensiya ng 3,000 miyembro ng Chinese People’s Liberation Army sa bansa.

Sinabi umano ng source na ang foreign troops ay tila may “immersion mission”.

Kaya nanawagan ang senador sa mga intelligence authority na magdoble sikap para masiyasat ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?