41

By

3,000 pasahero stranded kay ‘Ramon’

Nasa 2,577 na indibiduwal ang stranded sa mga pantalan sa Bicol Region dahil kay Tropical Storm Ramon.

Ayon sa Office of Civil Defense Bicol, nitong Huwebes ng hapon, may 1,938 na pasahero ang stranded sa Matnog port sa Sorsogon habang 339 passengers sa Tabaco City sa Albay.

Hindi rin nakabiyahe ang may 757 rolling cargos at 15 sea vessels sa 12 na pantalan sa Catanduanes, Albay, Sorsogon at Camarines Sur.

Suspendido naman ang klase sa lahat ng antas sa Albay gayundin sa mga bayan ng Virac, Gigmoto, Viga at Bato sa Catanduanes kung saan nakataas ang Signal Number 2.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?