6

May 3, 2021 @ 19:40
By

3,000 dose ng Sputnik V binigay sa Maynila

Matapos dumating noong May 1 ang unang batch ng 15,000 Sputnik V vaccine, pinartehan ng Department of Health (DOH) nitong Lunes ang Manila City government ng 3,000 dose.

Ani Manila Mayor Isko Moreno, ipaprayoridad nila sa Sputnik V bakuna ang mga frontline medical worker na hindi pa nababakunahan.

Pero sabi ni Moreno, kapag may natira ay babakunahan din ng Sputnik V ang mga senior citizen at mga may comorbidities.

Ayon sa Food and Drug Administration, mayroong 91.6% efficacy rate ang Sputnik V at awtorisado nang gamitin sa may 64 bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?