14
views

By

300 tambay dinampot sa southern Metro Manila

Sharing is caring!

SA KABILA ng pagiging mainit na isyu ng anti-tambay campaign, umabot pa rin sa 306 ang hinuli sa Southern Metro Manila dahil sa paglabag sa ibat ibang ordinansa.

Sa ibinahaging impormasyon ni Southern Police District Director Chief Supt. Tomas Apolinario Jr., ang bilang na nahuli ay sa nakalipas na 24 oras hanggang kaninang ala 5 ng hapon.

Ayon kay Apolinario 182 menor de edad ang kasama sa mga hinuli dahil sa paglabag sa curfew hours na alas 10 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw.

May 55 na hinuli dahil sa paglabag sa smoking ban sa mga pampublikong lugar.

Dinampot din ang 43 na nahuling nag iinuman sa kalsada, 17 ang naaktuhang walang suot na damit pang itaas o half-naked.

At may walo na nahuling umiihi sa pampublikong lugar. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?