11

Dec 8, 2020 @ 17:37
By

300 sinugod sa ospital! Misteryosong sakit kumakalat sa India

May bagong sakit na lumalagap sa India, at hindi ito COVID-19.

Sa siyudad ng Eluru sa Andhra Pradesh, India, aabot sa 300 katao ang dinala sa ospital matapos magkasakit ang mga ito, na ang iba pa ay nawalan ng malay.

Sa nasabing bilang, isa naman ang nasawi matapos dapuan ng hindi pa mapaliwanag na sakit.

Ayon sa mga pasyente, ilan sa mga naranasan nilang sintomas ay pagkakaroon ng sakit ng ulo, nausea, pagsusuka, at seizure na katulad ng sa epilepsy.

Ayon sa mga report, hindi makita ng mga doktor kung anong sanhi ng sakit kahit pa ilang test na ang ginawa sa mga pasyente tulad ng blood test, brain scan at spinal fluid test, sa ngayon ay inaantay pa ang resulta kung posibleng E. Coli ang sanhi ng sakit.

Sinarado na rin ang mga paaralan sa naturang siyudad at nagbahay-bahay ang awtoridad para malaman kung may mga nakakaramdam pa ng parehong sintomas.

Saad naman ni Andhra Pradesh state Health Minister Alla Kali Krishna Srinivas, negatibo ang lahat ng pasyente sa COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?