35
boracay-denr
Feb 13, 2018 @ 18:02
By

300 establisimiyento sa Boracay ipasasara ng DENR

Alinsunod sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na linisin ang Boracay sa loob ng anim na buwan, may 300 establisimiyento kabilang ang malalaking hotel sa isla ng Boracay ang ipasasara ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) dahil sa kabiguang maresolba ang sewage problem na nagresulta sa polusyon ng tubig sa Boracay.

Ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu, bago ang pagpapasara sa mga establisimiyento ay iisyuhan muna nila ng Notice of Violation kung saan una nilang sisilbihan ang mga malalaking hotel at establisimiyento.

“I have already instructed my regional director in the island to serve the notice of closure to some 300 establishments found to have not connected with the sewage system and with no proper water system. I have already ordered the regional director to start closing the establishments that are noncompliant,” pahayag ni Cimatu, sa launching ng Green Film Festival na ginanap sa Cinema 2 sa SM North Edsa.

Sinabi ni Cimatu na ang 300 establisimiyento na 40 porsiyento lamang ng kabuuang establisimiyento sa Boracay ang pauna lamang na ipasasara at kasunod nito ang iba pa hanggang sa tuluyan nang maresolba ang problema sa Boracay.

“We expect this will continue until we are able to solve the problem in Boracay pati ang wastewater and water doon na ginagamit. Ayoko na hindi matupad ang utos ni Presidente. Inutos ko na ito sa regional director so expect na umpisa na itong ating campaign. I’m cleaning the environmental problem of Boracay starting with the sewage system at una itong 300 establisimiyento na hindi konektado sa sewage system,” dagdag ni Cimatu.

Samantala, iniutos na rin ni Cimatu sa DENR undersecretaries nito na makipagpulong sa Ayala Group na ang kompaniya ay concessionaire ng wastewater system sa Boracay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?