296

May 24, 2019 @ 21:41
By

300 bahay natupok sa sunog sa Laguna

Nasa 300 pamilya ang nawalan ng tirahan matapos sumiklab ang sunog sa Barangay Sto. Tomas, Biñan, Laguna noong Huwebes ng hapon.

Ayon sa ulat, mabilis umanong kumalat ang apoy sa bahagi ng Olivares South Homes kaya nahirapan ang mga bumbero na kontrolin ito.

Sa inisyal na imbestigasyon, nag-ugat ang apoy mula sa naiwang sinaing sa kalan.

Sampung fire truck ang rumesponde sa sunog na inabot ng mahigit dalawang oras bago naapula.

Walang namang napaulat na nasaktan.

Nagpayo naman ang Bureau of Fire Protection na huwag iiwan ang niluluto dahil kapag nagpabaya ay marami ang mga nadamay sa sunog.

Kasalukuyang nananatili ang mga apektadong residente sa basketball court.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?