1,515
sunog7
Jun 21, 2018 @ 4:36
By

300 bahay naabo sa malaking sunog sa Cavite

Nasa 300 bahay ang naabo at 500 pamilya ang nawalan ng tahanan sa sunog na sumiklab sa isang squatters area sa Evangelista St., Maliksi Uno, Bacoor, Cavite nitong Miyerkules ng gabi.

Tinatayang nasa P1.5-M halaga ng mga ari-arian ang natupok sa sunog.

Sinasabing nagsimula ang sunog sa abandonadong bahay ng isang Jason Miranda 6:51 ng gabi.

Mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa sa mga light materials ang mga bahay ng mga informal settlers.

Nahirapan naman ang mga bumbero sa pagpatay sa sunog dahil masikip ang mga iskinita papunta sa mga nasusunog na bahay.

Umabot ang sunog sa 4th alarm bago idineklarang fire under control 9:32 ng gabi.

Walan naiulat na nasaktan sa nabanggit na sunog.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?