34

Nov 27, 2021 @ 22:35
By

300 bahay naabo sa Cebu City

Nasa 300 bahay at establisimyento ang nasunog sa Cebu City noong Biyernes, kung saan lima katao ang sugatan.

Ayon sa ulat ng 24 Oras ngayong Sabado, naganap ang sunog sa isang residential area sa Barangay Mambaling sa nasabing lungsod.

Dahil sa sunog, nasa 1,000 residente ang nawalan ng tahanan.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang sanhi ng apoy.

Humiling din ng agarang tulong ang mga nasunugan sapagkat halos wala raw silang naisalbang gamit.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?