58

By

30 vintage bombs, nahukay sa Batangas

Ikinagulat ng mga residente ng Nasugbu, Batangas ang pagkakatuklas sa may 30 vintage bombs na nahukay ng mga construction workers sa loob ng compound isang elementary school sa Nasugbu, Batangas.

Sa ulat ng Nasugbu police, kamakalawa ng hapon nang aksidenteng nadiskubre ng mga construction worker ang mga bomba habang naghuhukay sa Bayabayan Elementary School.

Agad na dinala sa Explosive and Ordnance Division ng 730th Combat Group ng Philippine Air Force (PAF) sa Nasugbu ang mga nahukay na bomba.

Gayunman, wala namang nangyaring pagsabog mula sa mga nahukay na bomba. (Betchai Julian)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?