50

Jun 5, 2020 @ 11:28
By

30 staff sa QC barangay hall, positibo sa COVID rapid test

Tigil muna ang operasyon ng isang barangay hall sa Quezon City matapos na 30 sa kanilang empleyado ang nagpositibo sa COVID-19 rapid antibody test.

Ayon sa Facebook post ng Barangay South Triangle, simula ngayong araw ay suspendido muna ang trabaho sa kanilang barangay hall.

“Barangay South Triangle will be suspending its operations for three days starting June 5, 2020,” ayon sa post.

Paliwanag naman ng barangay, hindi pa ibig sabihin nito na positibo na sa COVID-19 ang kanilang mga empleyado at kinakailangan pang sumalang sa confirmatory test.

“To reiterate: COVID-19 IgG rapid tests are only preliminary tests. A positive result on COVID-19 IgG rapid test does not necessarily mean that the individual is COVID-19 positive,” aniya pa.

Sasalang sa RT-PCR test ang 30 nagpositibo sa rapid test at kaagad na ring na-quarantine.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?