147

Dec 23, 2017 @ 12:22

30 patay sa paghagupit ng bagyong Vinta sa Mindanao

Tumaas na sa 30 ang bilang ng mga namatay sa paghagupit ng bagyong Vinta sa Mindanao, ayon sa AFP.

Sa regional police report, naitala ang 19 patay sa bayan ng Tubod, Mindanao dahil sa baha at mudslides na nangwasak sa isang nayon.

Ang apat pa umanong patay ay sa kalapit lang na bayan at siyudad ng naturang lugar habang ang pito ay mula sa lalawigan ng Lanao del Sur, ayon naman sa civil defence officials nito.

Nawawala naman ang apat na katao matapos matabunan ng gumuhong lupa o maanod ng mataas na tubig-baha habang 12,000 residente ang lumikas na sa kanilang tahanan.

Nakakapagtala ng 20 malalakas na bagyo ang Pilipinas kada taon, karamihan sa mga ito ay mapanganib, ngunit bihirang tamaan ang Mindanao.

Matapos manalasa sa Mindanao nitong Biyernes ay patungo na si ‘Vinta’ sa kanluran ng Sulu Sea na may pagbugsong 95 kilometro kada oras.

Ayon sa PAGASA, babagtasin nito ang western island ng Palawan mamayang hapon o gabi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?