19

Sep 26, 2020 @ 15:09
By

30 pasaway na Chinese, gumimik sa Makati

Dinampot ang abot sa 30 Chinese national matapos mahuli ang mga ito na nagkakasiyahan sa isang KTV bar sa Barangay Pio del Pilar, Makati City.

Biyernes ng gabi nang maaktuhan ng Makati police ang mga Chinese na nagsasaya sa bar.

Tinekitan ang mga ito dahil sa paglabag sa physical distancing at agad din na kinumpiska ang kanilang mga identification card.

Magmumulta ang mga naturang Chinese dahil sa naturang paglabag sa quarantine protocol.

Hindi pa pinapahintulutan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease ang pagbubukas ng mga bar sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?