7
poverty1
By

30% ng Pinoy na nakatakas sa kahirapan, ikinagalak ng Palasyo

Sharing is caring!

Ikinatuwa ng Malacañang ang resulta ng Social Weather Stations (SWS) survey na isa sa tatlong pamilyang Filipino ay nakatakas na sa kahirapan.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, resulta ito ng mga pagsisikap ng Duterte administration na maiahon ang mga Filipino sa kahirapan sa pamamagitan ng mga programang inilarga ng gobyerno.

Hangad aniya ng administrasyon na maramdaman ng mga Pinoy ang bunga ng lumalagong ekonomiya para mabawasan ang kahirapan sa bansa.

“We welcome the latest Social Weather Stations (SWS) report showing one out of three, or 30%, of Filipino families escaped poverty.

“The Duterte administration, as we all know, has espoused inclusive, sustainable and resilient growth. We have broadened access to free education, medicine and healthcare and other basic services to ensure that our people directly benefit from the country’s economic gains while reducing the vulnerability of families through our conditional cash transfer programs and employment facilitation and microenterprise projects,” ani Roque.

Ipagpapatuloy aniya ng Duterte administration ang mga programang pangmahihirap at pagpapalawak sa mga oportunidad sa aspeto ng ekonomiya para mabigyan ng kumportableng buhay ang bawat Filipino.

“Rest assured that we will continue to reduce inequality, expand economic opportunities, and lay down the foundation of a comfortable life for everyone,” dagdag pa ni Roque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?