68
motor
Sep 9, 2019 @ 21:15
By

30 motorsiklo kinumpiska ng HPG dahil sa karera

Nasa 30 na motorsiklo ang pina-impound ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) sa isinagawang operasyon sa bahagi ng isang highway sa Tanay, Rizal.

Pinigil ng PNP-HPG Rizal ang mga nagmomotorsiklo noong Sabado na walang plaka, lisensiya at helmet.

Target nila ang dumadaming nagkakarera at nag-e-exhibition ng motorsiklo sa lugar na madalas umanong ikinadidisgrasya ng ibang motorista na umaabot umano hanggang madaling-araw.

Tatlumpung motorsiklo umano ang pina-impound ng mga pulis sa operasyon habang sampung rider ang tiniketan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?