33

Nov 21, 2021 @ 9:41
By

30 katao patay o nawawala sa pagbaha

Hindi bababa sa 30 katao ang patay o nawawala matapos ang biglaang pagbaha sa southern India, kung saan tatlong bus ang naanod sa isang insidente.

Ayon sa mga awtoridad ng bansa, nakuha ng mga rescue team ang isang dosenang bangkay matapos maanod ang tatlong bus sa Andhra Pradesh state nitong Biyernes.

Hindi bababa sa 18 iba pang mga tao ang nawawala pa rin.

Nailigtas at inilikas naman ng mga lokal na awtoridad ang daan-daang pamilya.

Sinabi ng mga analyst na ang pagbago at matinding lagay ng panahon sa buong Timog Asya ay dahil sa climate change na pinalala ng damming, deforestation at execessive development.

Noong nakaraang buwan, 28 katao sa karatig na estado ng Kerala, India, ang namatay habang ang malakas na pag-ulan ay nagdulot ng pagguho ng lupa. (Sherrylou Nemis)
““`ZW3212WQJulia Barretto naghubad sa Mexico?

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?