20

May 18, 2021 @ 21:50
By

30% capacity sa mga simbahan puwede sa GCQ

Hanggang 30 porsiyento ang pinapayagang seating capacity sa mga lugar na nasa general community quarantine (GCQ).

Ani Secretary Menardo Guevarra, ang mga lugar lamang na nasa modified enhanced community quarantine ang may maximum 10% seating capacity na pinapayagan.

Pero ngayong nasa ilalim na ng GCQ “with heightened restrictions” ang National Capital Region, Laguna, Cavite, Rizal at Bulacan o NCR Plus ay hanggang 30% ang seating capacity na maaari sa mga simbahan hanggang Mayo 31.

Sa kasalukuyang rules ay 10% ang pinapayagang seating capacity sa mga GCQ area.

“It was just a case of plain oversight, I believe,” ani Guevarra.

“Certain church groups and even the NCR mayors have noted this, so the TWG (technical working group) of the IATF (Inter-Agency Task Force) will review the resolution and submit its recommendation. I believe that this oversight will promptly be rectified,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?