1,103

Jul 6, 2019 @ 17:30
By

30 bahay natupok sa sunog sa Makati

Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Constancia Street sa Barangay Olympia, Makati City nitong Sabado ng umaga.

Alas-8:46 ng umaga nagsimula ang apoy na umabot sa ikatlong alarma at pasado alas-10:00 ng umaga na idineklarang fire under control.

Mahigit 30 bahay ang natupok ng sunog habang isang lalaki ang nasaktan.

Samantala, iniimbestigahan na ng Bureau of Fire Protection ang sanhi ng sunog.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?