294
1K baboy inilibing nang buhay sa Antipolo
Oct 19, 2019 @ 9:54
By

30 baboy kumpirmadong may ASF sa Pangasinan

Kinumpirma ng Bureau of Animal Industry-Region 1 (BAI-R1) na nagpositibo sa African Swine Fever (ASF) ang 30 na blood sample na kinuha mula sa mga namatay na baboy sa Barangay Apalen, Bayambang sa Pangasinan.

Dahil dito, agad nagpatupad ng 1-7-10 quarantine protocol sa nasabing bayan kung saan isinagawa ang culling operation o pagkatay sa mga natitirang alagang baboy ng hog raiser.

Ayon kay Dr. Florentino Adame, Chief Regulatory Division ng Department of Agriculture-Region 1 (DA-R1), sa 30 blood samples, 100 percent na positibo sa ASF ang mga baboy.

Sa 1-7-10 quarantine protocol, isasailalim sa culling operation ang mga baboy na sakop ng 1-kilometer radius mula sa lugar na apektado ng ASF.

Magsasagawa naman ng blood sampling, surveillance at animal checkpoint sa mga barangay na sakop ng 7 kilometer radius. Hindi naman papayagang makalabas o makapasok ang mga baboy na sakop ng 1-7-10 protocol hangga’t hindi dinedeklara ng DA-R1 at BAI-R1.

Nagbigay na rin ng direktiba ang Bayambang local government unit sa mga barangay chairman na magpatupad ng mahigpit na inspeksyon at quarantine sa mga backyard hog raiser para matiyak na wala nang maapektuhan ng ASF.

Mahigpit pa ring pinatutupad ang total ban sa pag-angkat, paglabas at pagpasok ng mga baboy mula sa mga lugar na apektado ng ASF.

Ayon sa mga ahensiya, hindi na rin pinapayagan pa ang pagbebenta ng baboy na galing sa Pangasinan palabas ng probinsya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?