19
dwight-howard
Mar 22, 2018 @ 15:22
By

‘30-30’ ni Howard para sa Hornets, bumutas sa Nets

May pinagsamang 32 points at 30 rebounds si Dwight Howard habang nakakuha ng 3-point play sa 18.3 segundong nalalabi si Kemba Walker para tuhugin ng Charlotte Hornets ang Brooklyn Nets, 111-105, nitong Miyerkoles sa Barclays Center.

Ang ‘30-30’ ni Howard ang una sa NBA mula nang magawa ito ni Kevin Love noong Nobyembre 2010.

Nakasama na ni Howard si Hall of Famer Kareem Abdul-Jabbar bilang tangings players na may 30 rebounds laban sa Nets.

Nagawa ito ni Abdul-Jabbar noong 1978 para sa Los Angeles Lakers.

Nakuha ng Brooklyn ang 82-59 lead sa layup ni DeMarre Carroll, sa 6:13 nalalabi sa third pero napako na sa 87-75 advantage patungong fourth matapos umiskor ng 10 points sa 16-5 ragasa si Howard.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?